𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 | Garcia, wagi ng bronze medal sa PATAFA

 
𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 | Garcia, wagi ng bronze medal sa PATAFA

Sa larong bilis at tulin ng takbo ang puhunan, kamangha-manghang nasungkit ni Jem-Jen Garcia, isang TAU-Marketistang Atleta ang bronze medal sa nakalipas na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) 800m na ginanap sa PhilSports Track Oval, Pasig City, Manila, noong October 26, 2024.

Sa kabila ng mga problema at kakapusan ng sapat na lakas ng atletang TAUian, matagumpay pa rin siyang nakapasok bilang isa sa mga finalists ng Women’s 800m Category kung saan siya ay nasa pampitong pwesto na may resultang 2:39.27 na running time sapat na para maungusan nito ang sampung atletang nakilahok mula sa iba't ibang mga unibersidad sa Pilipinas, at wagi niyang nasungkit ang bronze medal para tapusin ang kanyang kampanya sa PATAFA.
 
“During the event, wala talaga akong tulog and first time kong maglaro na ganoon ang status ko. Kahit ganoon, napakaganda ng experience ko, at ahit anong pagsubok ang dumating ay hindi ako pwedeng sumuko. Lahat ng pagod at hirap ay may kapalit na tagumpay”, saad ni Garcia sa isang panayam online.

Ayon din kay Jem-Jen, ilang taon din siyang nahinto sa larangan ng pagtakbo dahil sa mga pribadong dahilan at masaya siyang unti-unti na niyang naibabalik ang kaniyang momentum at muli na rin siyang nakakalahok sa mga kompetisyon.

🖊️ Diane Batuan
💻 Rina Idos

#TauTheGoldenHarvest61